Ang ating Kidneys o bato ay kumakatawan ng importanteng tungkulin sa ating pangangatawan. Maliit lamang ang ating kidneys ngunit ito ay may malaking responsibilidad sa pangkalahatang pangangalaga sa ating katawan. Kung ito ay hindi natin maalagaan ng husto, maaari tayong magkaroon ng “bato sa bato” o ang tinatawag na kidney stones at marami pang ibang kidney diseases na maaring makasira nito. Nasasabi na maraming paraan at gamot na maaring gamitin o inumin, ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay may isang bagay o rekado sa kusina na maaring makagaling o mapabagal ang paglala ng pagkasira ng kidneys. Ang rekado na ito ay tinatawag na Sodium Bicarbonate , o mas kilala sa tawag na Baking Soda . Ang ating “ Endocrine System ” ay nakakapaloob ng Pancreas o Lapay , ito ang nagbibigay ng sodium bicarbonate bilang proteksyon sa ating kidneys sa oras na ito ay nagtutunaw ng ating pagkain. May mga pagkakataon din na ang ating kidneys ay naglalabas ng chemical na naaayon s