Skip to main content

Baking soda para mapabagal ang paglala ng sakit sa bato o kidneys? Alamin.




Ang ating Kidneys o bato ay kumakatawan ng importanteng tungkulin sa ating pangangatawan.  Maliit lamang ang ating kidneys ngunit ito ay may malaking responsibilidad sa pangkalahatang pangangalaga sa ating katawan.  Kung ito ay hindi natin maalagaan  ng husto, maaari tayong magkaroon ng “bato sa bato” o ang tinatawag na kidney stones at marami pang ibang kidney diseases na maaring makasira nito.

Nasasabi na maraming paraan at gamot na maaring gamitin o inumin, ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay may isang bagay o rekado sa kusina na maaring makagaling o mapabagal ang paglala ng pagkasira ng kidneys. Ang rekado na ito ay tinatawag na Sodium Bicarbonate, o mas kilala sa tawag na Baking Soda.

Ang ating “Endocrine System” ay nakakapaloob ng Pancreas o Lapay, ito ang nagbibigay ng sodium bicarbonate bilang proteksyon sa ating kidneys sa oras na ito ay nagtutunaw ng ating pagkain.  May mga pagkakataon din na ang ating kidneys ay naglalabas ng chemical na naaayon sa kung ano ang ating kinakain.  Ngunit kung ikaw ay kumakain ng lubos na matatamis, matataba o mga mamantikang pagkain, ito ay maaring magbigay tension sa ating "Endocrine System".  Sa pamamagitan nito, ang kidneys at pancreas ay maaaring bumaba ang dami na nilalabas na sodium bicarbonate.  Kung wala ito, maaring ang asido na nasa ating katawan ay maaring dahilan upang masira ang ating kidneys. 

Ayon sa pagsusuri na inilathala sa Journal of the American Society of Nephrology, ang baking soda ay tumutulong sa mga pasyenteng may chronic kidney disease.  Base sa pag-aaral, ang mga pasyenteng nabigyan ng baking soda ay mas hindi nagkaroon ng kidney failure at hindi rin sumailalim ng dialysis.  Ngunit bago gumamit nito ay maaari munang magtanong sa inyong doctor upang malaman ang tamang paraan at dami ng iinumin.  Ito rin ay nirereseta ng doctor sa pangalang sodium bicarbonate tablets.






Comments

  1. Kidney stone have many different types, and these < herf="https://www.healthfitnesscareguru.com/2022/09/top-best-home-treatment-for-kidney.html">kidney diseaseskidney diseases should be resolve otherwise it lead to kidney failure.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

LEPTOSPIROSIS: ALAMIN ANG SINTOMAS AT KUNG PAANO ITO MAIIWASAN

Panahon na naman ng tag-ulan, hindi maiiwasan ang pagbahay sa ilang lugar sa ating bansa.    Kinakailangan ang dagdag ingat upang maiwasan ang pagkakasakit.    Isang halimbawa na makukuha nating sakit sa pagbaha ay ang leptospirosis. ANO ANG LEPTOSPIROSIS? Ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng mga hayop sa kanilang pag-ihi.    Kadalasan ito ay nakukuha sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga.    Bukod sa daga, maari ring tagapagdala ng bacteria na ito ang ating alagang aso, baboy at baka.    Napakahalaga na maging alerto tayo sa simtomas nito kung napasugod sa baha at lalo na kapag may sugat sa binti at paa. SINTOMAS: Ang sintomas ng leptospirosis ay nararamdaman matapos lamang ang 4-14 na araw makalipas ang pagkabasa o pagkalublob sa tubig-baha.    Sa oras na ito ay maaring maramdaman ang mga sumusunod: ·        ...

BOX JELLYFISH: MAAARING MAKAMATAY KUNG HINDI MAAGAPAN

Kamakailan lamang may napabalitang namatay na 7 taong gulang na batang Fil-Italian swimmer sa dagat ng Caramoan, sa Camarines Sur matapos na makapitan ng makamandag na dikya o tinatawag na box jellyfish.   Ayon sa ina ng bata, naglalaro lamang daw ang kanyang anak na si Gaia Trimarchi   sa mababaw na parte ng dagat at namumulot ng kabibe nang kapitan siya ng dikya sa paa.   Ayon din sa pamilya ng bata, sinubukan daw buhusan ng gas ng kasama nilang bangkero ang paa ng bata at sinabi ring walang dalang first aid kit ang mga bangkero.   Kaagad namang isinugod sa ospital ang bata pero idineklara itong dead on arrival. Isa sa pinakadelikadong uri ng dikya ay ang “cuatro cantos” o box jellyfish.   Ito ay maaring magpakawala ng selulang “nematocysts”   na naglalaman ng lason na maaring makaparalisa sa puso at nervous system ng biktima. PAUNANG LUNAS PAG NAKARANAS NG JELLYFISH STING Umahon agad sa tubig. Buhusan ng suka ang parte ng katawan na naap...