Panahon na naman ng tag-ulan, hindi maiiwasan ang pagbahay sa ilang lugar sa ating bansa. Kinakailangan ang dagdag ingat upang maiwasan ang pagkakasakit. Isang halimbawa na makukuha nating sakit sa pagbaha ay ang leptospirosis.
ANO ANG LEPTOSPIROSIS?
Ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng mga hayop sa kanilang pag-ihi. Kadalasan ito ay nakukuha sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga. Bukod sa daga, maari ring tagapagdala ng bacteria na ito ang ating alagang aso, baboy at baka. Napakahalaga na maging alerto tayo sa simtomas nito kung napasugod sa baha at lalo na kapag may sugat sa binti at paa.
SINTOMAS:
Ang sintomas ng leptospirosis ay nararamdaman matapos lamang ang 4-14 na araw makalipas ang pagkabasa o pagkalublob sa tubig-baha. Sa oras na ito ay maaring maramdaman ang mga sumusunod:
- · Biglaang pagtaas ng lagnat na may kasamang panginginig.
- · Pananakit ng kalamnan.
- · Matinding sakit ng ulo.
- · Pamumula ng mata
- · Paglaki ng atay at pananakit ng tiyan
- · Pagsusuka at pagtatae
- · Paninilaw (jaundice) sa ika-limang araw
- · Paglaki ng pali (spleen)
- · Maliit na mapulang paltos sa balat (blistering)
- · Paninigas ng leeg
- · Mapula at kaunting ihi
Ngunit hindi pare-pareho ang sintomas ng leptospirosis, ito ay nakadepende sa tao. Mahalaga pa rin na magpasuri sa doktor.
PAANO GINAGAMOT ANG LEPTOSPIROSIS:
- · Pag-inom ng antibiotics.
- · Pag-ineksyon ng antibiotics para sa mas malala na kalagayan
PAG-IWAS AT PAGSUGPO NITO:
- · Huwag lumangoy o lumusong sa tubig-baha.
- · Gumamit ng bota o guwantes kung hindi maiiwasan ang baha.
- · Sugpuin ang mga daga sa bahay, hugasan ng tubig at sabon at katawan na nailusong sa baha.
- · Maglinis ng bahay at paligid.
- · Alisin ang mga tubig na naipon sa bahay o paligid itapon ang basura sa tamang lugar.
- · Pagsusuka
- · Pagtatae
- · Impeksyon at pagkasira ng bato
- · Meningitis
- · Komplikasyon sa atay
- · Kamatayan
Nararapat lamang na ugaliin ang kalinisan sa ating kapaligiran at iwasan ang paglalaro o pag-lusong sa tubig-baha. Sa pagkakataon na makaramdam ng sintomas ng leptospirosis, agad agad kumunsulta ng doctor upang maagapan.
Comments
Post a Comment