Kamakailan lamang may
napabalitang namatay na 7 taong gulang na batang Fil-Italian swimmer sa dagat ng
Caramoan, sa Camarines Sur matapos na makapitan ng makamandag na dikya o
tinatawag na box jellyfish. Ayon sa ina
ng bata, naglalaro lamang daw ang kanyang anak na si Gaia Trimarchi sa mababaw na parte ng dagat at namumulot ng
kabibe nang kapitan siya ng dikya sa paa.
Ayon din sa pamilya ng bata, sinubukan daw buhusan ng gas ng kasama nilang
bangkero ang paa ng bata at sinabi ring walang dalang first aid kit ang mga
bangkero. Kaagad namang isinugod sa
ospital ang bata pero idineklara itong dead on arrival.
Isa sa pinakadelikadong uri ng
dikya ay ang “cuatro cantos” o box jellyfish.
Ito ay maaring magpakawala ng selulang “nematocysts” na naglalaman ng lason na maaring
makaparalisa sa puso at nervous system ng biktima.
PAUNANG LUNAS
PAG NAKARANAS NG JELLYFISH STING
- Umahon agad sa tubig.
- Buhusan ng suka ang parte ng katawan na naapektuhan.
- Kumuha ng ID card o plastic card na pantanggal sa mga glamay na nakadikit pa rin sa katawan.
- Ibabad sa mainit na tubig (40 – 45 C) sa loob ng 45 minuto.
- Gumamit ng hydrocortisone cream o oral antihistamine para mawala ang pangangati at pamamaga.
Ayon sa mga dalubhasa, maaring iba iba ang reaksyon sa tao maibibigay na lunas. Mas nakakabuti pa rin na dalhin ito sa
pinakamalapit na ospital upang masuring mabuti ang bahagi ng katawan na
naapektuhan. Hindi rin nakatutulong ang
pagbanli ng ihi sa sugat dahil maaring mapalala lang nito ang impeksiyon dahil
sa dumi.
Mahalagang maging maingat at may
kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas lalo na sa mga panahon na maraming
jellyfish. Itinuturing na ang jellyfish
season ng bansa ang mga buwan ng Abril at Mayo.
Source: http://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/promdi/662803/batang-italian-nasawi-matapos-ma-dikya-sa-caramoan/story/;
https://www.sciencedaily.com/releases/2017/07/1707271030 21.htm ; http://news.abs-cbn.com/focus/08/01/18/death-in-shallow-waters-jellyfish-kills-fil-italian-child-swimmer-in-caramoan-island
Comments
Post a Comment