Skip to main content

Sibuyas: Paano nga ba ito nakakatulong sa ating kalusugan?


Sibuyas



Ang sibuyas ay karaniwang nakikita sa kusina ng ating bahay, at ito ay madalas din ginagamit na sangkap sa halos lahat ng lutuin.  Ang sibuyas ay nagmula sa Asya at Gitnang Silangan, pinakapopular na itanim mga 5,000 taon ang  nakakaraan. Hindi lamang ito ginagamit panluto bagkus ay ginagamit itong pambayad ng mga sinaunang Egyptian, ganun din ang pagsamba nila dito sa kadahilanang ito raw ay nakakapagbigay sa kanila ng buhay ng walang hanggan. Sinasabi rin na inilalagay nila ang Sibuyas sa libingan ng Hari ng Ehipto na namatay sapagkat ito raw ang aakay sa kanila sa kabilang buhay.    Bukod dito, may alamat din na kapag ito raw ay nilagay sa namatay na tao ay muli raw itong mabubuhay sa loob ng sibuyas at maging mas malaki ang pakinabang dahil sa antiseptikong taglay nito.

Gamit ng Sibuyas
Maraming gamit ang sibuyas, bukod sa rekado sa pagluluto at pangunahing sangkap sa ibang lutuing Asyano at Indian, ang iba’t ibang parte nito ay maaring magamit sa iba’t ibang paraan.  Tulad na lamang ng balat ng sibuyas, maari itong gamiting pampakulay, maaari din itong pantanggal ng mga amoy tulad ng pintura at iba pa, pampakintab ng metal, at pampaalis ng insekto.  Maaari din daw makagamot ng iba’t ibang klaseng sakit ang sibuyas.

Iba’t Ibang Uri ng Sibuyas
Sa mga palengke o sa paborito nating pamilihan ay makakakita tayo ng iba’t ibang uri ng sibuyas.  Ilan dito ay ang sumusunod: 




1.        Dilaw na Sibuyas o Yellow Onions
Matamis ang lasa ang uri ng sibuyas na ito, dilaw o golden ang kulay  ng balat at pale yellow ang nag kulay ng laman nito.  Madalas itong ginagamit sa pagluluto dahil sa tamis ng lasa nito at mahusay na gamitin lalo na kapag gumugawa ng onion soup.  Ang uri ng sibuyas na ito ay lalong tumatamis habang tumatagal sa pagluluto.



2.       Pula na Sibuyas o Red Onions
Ito ang pinakamaanghang sa uri nito, kulay pula sa labas at medyo mapulang maputi sa loob.  Mabilis din mabulok ang uri ng sibuyas na ito kung kaya’t hindi ito maaring itago ng matagal.  Ginagamit din ito sa pagluluto, rekado para sa salad at palaman sa tinapay.



3.       Puti na Sibuyas o White Onions
Bihira makita ang ganitong uri ng sibuyas sa palengke, kulay puti ito sa labas at ganoon din sa loob nito.  Sa lahat ng uri ng sibuyas ito ay maari mong kainin mapahilaw o luto. Madalas din itong ginagamit ng mga Mehikano sa pagluluto.




4.        Berde na Sibuyas of Green Onions/Spring Onions
Ito ay tinatawag na sibuyas na mura na pwedeng kainin kahit hilaw, maari itong gawing palamuti at pampalasa sa mga lutuin.
 


5.       Shallot
Uri ng sibuyas na medyo maliit at hugis pahaba. Maihahalintulad din siya sa bawang na ang isang buo maliit na shallot naglalaman ng dalawa o tatlong piraso at ang malaki naman ay naglalaman ng hanggang anim na piraso.  Katamtaman lamang ang lasa nito hindi tulad ng ibang klaseng sibuyas na umaangat ang lasa sa mga lutuin kung kaya’t mas mainam siyang ihalo sa salad na hilaw.




Nutrisyon na Makukuha sa Sibuyas
Mayaman sa Sulphur ang Sibuyas, na dahilan kung bakit ito ay may matapang na amoy at maaring makagaling.  Ang Flavonoid particular ang Quercetin ay mahusay na antioxidant ay tinataglay din nito.  Gayun din sa mga bitaminang, B6, C, Biotin, K, Folic Acid, Chromium, Calcium at Fiber. May mga mineral na nakukuha din sa sibuyas tulad ng Magnesiium at Potassium.


Comments

  1. Woow! salamat sa napakapakipakinabang na impormasyon! ang dami pla tlgang makukuhang nutrisyon kahit sa maliit na pagkain lamang :D Sakit.info

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

LEPTOSPIROSIS: ALAMIN ANG SINTOMAS AT KUNG PAANO ITO MAIIWASAN

Panahon na naman ng tag-ulan, hindi maiiwasan ang pagbahay sa ilang lugar sa ating bansa.    Kinakailangan ang dagdag ingat upang maiwasan ang pagkakasakit.    Isang halimbawa na makukuha nating sakit sa pagbaha ay ang leptospirosis. ANO ANG LEPTOSPIROSIS? Ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng mga hayop sa kanilang pag-ihi.    Kadalasan ito ay nakukuha sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga.    Bukod sa daga, maari ring tagapagdala ng bacteria na ito ang ating alagang aso, baboy at baka.    Napakahalaga na maging alerto tayo sa simtomas nito kung napasugod sa baha at lalo na kapag may sugat sa binti at paa. SINTOMAS: Ang sintomas ng leptospirosis ay nararamdaman matapos lamang ang 4-14 na araw makalipas ang pagkabasa o pagkalublob sa tubig-baha.    Sa oras na ito ay maaring maramdaman ang mga sumusunod: ·        ...

Baking soda para mapabagal ang paglala ng sakit sa bato o kidneys? Alamin.

Ang ating Kidneys o bato ay kumakatawan ng importanteng tungkulin sa ating pangangatawan.  Maliit lamang ang ating kidneys ngunit ito ay may malaking responsibilidad sa pangkalahatang pangangalaga sa ating katawan.  Kung ito ay hindi natin maalagaan  ng husto, maaari tayong magkaroon ng “bato sa bato” o ang tinatawag na kidney stones at marami pang ibang kidney diseases na maaring makasira nito. Nasasabi na maraming paraan at gamot na maaring gamitin o inumin, ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay may isang bagay o rekado sa kusina na maaring makagaling o mapabagal ang paglala ng pagkasira ng kidneys. Ang rekado na ito ay tinatawag na Sodium Bicarbonate , o mas kilala sa tawag na Baking Soda . Ang ating “ Endocrine System ” ay nakakapaloob ng Pancreas o Lapay , ito ang nagbibigay ng sodium bicarbonate bilang proteksyon sa ating kidneys sa oras na ito ay nagtutunaw ng ating pagkain.  May mga pagkakataon din na ang ating kidneys ay naglalabas ng ch...