Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2018

Diabetes: Miracle Cure? Ating alamin kung ano ito, magkaroon ng sapat na kaalaman ukol dito

DIABETES:   Magkaroon ng sapat na kaalaman Ano nga ba ang sintomas ng Diabetes?   Sino ang maaring magkasakit nito?   Paano ito maiiwasan at malulunasan? Ano ang Diabetes? Ang diabetes ay isang uri ng karamdaman na kung saan ang katawan natin ay hindi nakakalikha ng sapat na insulin o hindi nakakaresponde ng maayos dito. Ang insulin ay ang ating hormone na naglilipat ng asukal mula sa ating dugo patungo sa   iba’t ibang cells ng ating katawan upang gawing enerhiya.   Uri ng Diabetes Type I Diabetes :   Ang Type I Diabetes o kilala sa tawag na juvenile diabetes o insulin-independent diabetes ay ang kondisyon na kung saan ang pancreas na gumagawa ng insulin ay sira o kulang ang kanyang nailalabas na insulin. Inaatake ng ating immune system ang cells sa pancreas na gumagawa ng insulin.   Dahil dito, maaring hindi matanggap ng katawan ang sapat na dami ng insulin na maaring magdulot ng malubhang komplikasyon gaya ng sakit sa puso at bato.   Ito ay karaniwan na makikita