DIABETES: Magkaroon ng sapat na kaalaman
Ano nga ba ang sintomas ng
Diabetes? Sino ang maaring magkasakit
nito? Paano ito maiiwasan at malulunasan?
Ano ang Diabetes?
Ang diabetes ay isang uri ng
karamdaman na kung saan ang katawan natin ay hindi nakakalikha ng sapat na
insulin o hindi nakakaresponde ng maayos dito. Ang insulin ay ang ating hormone
na naglilipat ng asukal mula sa ating dugo patungo sa iba’t ibang cells ng ating katawan upang
gawing enerhiya.
Uri ng Diabetes
Type I Diabetes: Ang Type I
Diabetes o kilala sa tawag na juvenile diabetes o insulin-independent diabetes
ay ang kondisyon na kung saan ang pancreas na gumagawa ng insulin ay sira o
kulang ang kanyang nailalabas na insulin. Inaatake ng ating immune system ang
cells sa pancreas na gumagawa ng insulin.
Dahil dito, maaring hindi matanggap ng katawan ang sapat na dami ng
insulin na maaring magdulot ng malubhang komplikasyon gaya ng sakit sa puso at
bato. Ito ay karaniwan na makikita sa
mas nakababata na may edad na 20 pababa, ngunit maaari rin itong makuha ng
nakatatanda.
Type II Diabetes: Ito ang
karaniwang uri ng diabetes na nakikita sa mas nakatatanda na may edad na 30
pataas, ngunit maari rin itong makuha ng mga nakababata. Ito ay kilala sa tawag na adult-onset
diabetes o non-insulin-dependent diabetes.
Ang Type II Diabetes ay ang kondisyon na kung saan ang katawan ay may
kakayahang gumawa ng insulin ngunit ito ay hindi sapat o kaya naman ay hindi
ito kayang gamitin ng maayos ng ating katawan ang kondisyon na tinatawag na insulin-resistance.
Gestational Diabetes: Ito ay
uri ng diabetes na nakukuha ng mga kababaihan habang nagdadalang tao. Tumataas ang insuin resistance habang
nagbubuntis na nagiging dahilan na hindi nakukuha ng katawan ang sapat na
sustansya na kailangan sa panganganak.
Sanhi ng Diabetes
Lubos na sinusuri pa ng mga
eksperto ang totoong dahilan ng Diabetes ngunit maari itong konektado sa
“family history”, at isa rin na maaaring dahilan ay ang uri ng pamumuhay. Sa Type II diabetes naman ay naiuugnay sa labis
na timbang ngunit hindi naman lahat ng nagkakaroon nito ay ito ang
dahilan. Ang gestational diabetes ay
nangyayari kung ang hormone na ginagawa ng placenta ng ina na kailangan sa
panganganak ay bahagyang napapawalang bisa sa epekto ng insulin sa cells.
Sintomas ng Diabetes
Naririto ang mga sintomas ng
sakit na diabetes, ilan sa mga ito ay normal lamang na nararamdaman kaya
tuluyan nating isinasawalang bahala kaya ugaliin nating magpacheck-up sa doctor
kung nararanasan ang mga sumusunod:
- · Panghihina at pagkatamlay ng katawan
- · Madalas na pag-ihi
- · Pagkauhaw
- · Hindi pangkaraniwang tagal ng pagkahilom ng sugat
- · Biglaang pagkalabo ng mata
- · Maya’t mayang pagkagutom o pagkain ng marami
- · Hindi maipaliwanag na pagbawas ng timbang
Paano malalaman na ikaw
ay may Diabetes?
Ang kondisyong ito ay naka-sentro
sa insulin, ang ginagawang batayan ng mga doctor ay ang blood sugar level. Tipikal ang pag-akyat ng blood sugar level
pagkatapos kumain kaya hinihikayat na huwag munang kumain ng 12 oras bago
magpakuha ng dugo. Ang dugo na makukuha
ay dadaan sa masusing pagsusuri at kung ang makikitang sukat ng blood sugar ay
mahigit sa 7 mmol/l, maaring ito ay senyales ng diabetes. Kung ang resulta naman ay mas mababa dito, ay
maaaring wala kang diabetes ngunit kinakailangan ding ugaliin na magkaron ang
malusog na pamumuhay.
Paano ito maiiwasan?
Anumang uri ng gamot ay kailangan
ng patnubay ng doctor. Ang maingat na
pagagamot at pagkokontrol ay maaring hadlangan ang mga komplikasyon gaya ng
pagkaputol ng bahagi ng katawan (kamay o paa), pagkabulag, pagkakasakit sa puso
at sa mga ugat na daluyan ng dugo at pagkakasakit sa bato. Maigting na ipinapayo ang mga sumusunod:
- · Masustansya at balanseng pagkain
- · Pag-eehersisyo
- · Pag-inom ng gamit (kung kinakailangan)
- · Pagpapanatili ng tamang timbang
- · Positibong pananaw sa buhay
- · Pagkain na may sapat na sukat o dami, lalong lalo na ang pagkain ng mababa ang taba o mantika
- · Pagkain ng gulay
- · Pag-iwas sa matatamis at matatabang pagkain
Mga Gamot at Lunas sa
Diabetes:
Ang diabetes ay isang chronic
disease ngunit maari ka pa rin namang mamuhay nang normal sa tulong ng gamot at
malusog na pamumuhay. Tandaan na
ugaliing sundin ang payo ng doctor sa pag-inom ng gamot.
- · Insulin – may iba’t ibang uri ng insulin ang maaring ireseta ng iyong doctor na nababagay sa iyong kondisyon. May insulin a rapid-acting, short-acting, long-acting, intermediate-acting at ang premixed.
- · Melaformin - ito ay ibinibigay ng doctor para sa bagong kaso ng diabetes. Naayon sa iyong blood sugar level ang dami nito.
- · Tamang pagkain – umiwas sa mga pagkaing matatas ang sugar content at matataba. Kumain ng whole wheat bread, sugar-free bread, brown rice at prutas.
- · Ehersisyo – nakakababa rin ng blood sugar level ang tamang pag-eehersisyo. Maglaan ng 30 minuto hanggang isang oras araw-araw para sa mga aktibidad gaya ng pagtakbo, jogging, sayaw at aerobic exercises.
Miracle Cure para sa
Diabetes:
Mas mainam pa rin ang natural na
paggamot ng diabetes kaysa sa paggamit ng sintetikong gamot namaaring makasira ng
ating atay o liver, kidney o baton a siyang sumasala ng toxin sa ating katawan. Alam niyo ban a may isang pinoy na doctor ang
nakadiskubre ng umanoy epektibong gamot sa diabetes. Ito ay si Dr. Jaime Dy-Liacco, 82 anyos ay
isang Doctor of Metabolic Medicine ang nakadiskubre ng isang epectibong paraan
sa paglunas ng sakit sa diabetes na maari umepekto sa loob nbg 5 minuto. Ayon kay Dr. Dy-Liaaco, base sa kanyang
findings, hindi umano sweets ang dahilang kung bakit nagkakaroon ng diabetes
ang isang ibdibidwal. Dahil umano ito sa
kakulangan o tinatawag na deficiency sa katawan ng 6 (anim) specific minerals,
ito ay ang vanadium, copper, zinc, manganese, chromium and germemium
silvervester. Pero kung sakto at husto
ang pagkain na mayaman sa mga minerals na ito kahit na umubos ka pa ng maraming
tsokolate at matatamis na pagkain ay hindi na raw umano tataas ang iyong blood
sugar.
Paghahanda:
1.
Kumuha ng 12 pirasong maliliit o “native” na
pulang siling labuyo.
2.
Gayatin at tadtarin ng pino.
3.
Ihalo ang sili sa baso na may 2 hilaw na itlog.
Haluing mabuti.
4.
Lagyan ng ½ teaspoon na sea salt.
5.
Diretsong inumin, gawin ito ng may laman ang
sikmura upang pangontra sa sakit ng tiyan dahil sa anghang na dulot ng sili.
Apat na halamang
gamot para sa Diabetes: Ampalaya,
Cinnamon, Sambong at Banaba
Source: https://www.medicalnewstoday.com/articles/7504.php | https://www.akoaypilipino.eu/gabay/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-sakit-na-diabetes-ikalawang-bahagi/
| https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/diabetes
Comments
Post a Comment