Skip to main content

Posts

Showing posts from 2019

Sibuyas: Paano nga ba ito nakakatulong sa ating kalusugan?

Sibuyas Ang sibuyas ay karaniwang nakikita sa kusina ng ating bahay, at ito ay madalas din ginagamit na sangkap sa halos lahat ng lutuin.   Ang sibuyas ay nagmula sa Asya at Gitnang Silangan, pinakapopular na itanim mga 5,000 taon ang   nakakaraan. Hindi lamang ito ginagamit panluto bagkus ay ginagamit itong pambayad ng mga sinaunang Egyptian, ganun din ang pagsamba nila dito sa kadahilanang ito raw ay nakakapagbigay sa kanila ng buhay ng walang hanggan. Sinasabi rin na inilalagay nila ang Sibuyas sa libingan ng Hari ng Ehipto na namatay sapagkat ito raw ang aakay sa kanila sa kabilang buhay.      Bukod dito, may alamat din na kapag ito raw ay nilagay sa namatay na tao ay muli raw itong mabubuhay sa loob ng sibuyas at maging mas malaki ang pakinabang dahil sa antiseptikong taglay nito. Gamit ng Sibuyas Maraming gamit ang sibuyas, bukod sa rekado sa pagluluto at pangunahing sangkap sa ibang lutuing Asyano at Indian, ang iba’t ibang parte nito ay maaring magamit sa iba’