Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2018

BOX JELLYFISH: MAAARING MAKAMATAY KUNG HINDI MAAGAPAN

Kamakailan lamang may napabalitang namatay na 7 taong gulang na batang Fil-Italian swimmer sa dagat ng Caramoan, sa Camarines Sur matapos na makapitan ng makamandag na dikya o tinatawag na box jellyfish.   Ayon sa ina ng bata, naglalaro lamang daw ang kanyang anak na si Gaia Trimarchi   sa mababaw na parte ng dagat at namumulot ng kabibe nang kapitan siya ng dikya sa paa.   Ayon din sa pamilya ng bata, sinubukan daw buhusan ng gas ng kasama nilang bangkero ang paa ng bata at sinabi ring walang dalang first aid kit ang mga bangkero.   Kaagad namang isinugod sa ospital ang bata pero idineklara itong dead on arrival. Isa sa pinakadelikadong uri ng dikya ay ang “cuatro cantos” o box jellyfish.   Ito ay maaring magpakawala ng selulang “nematocysts”   na naglalaman ng lason na maaring makaparalisa sa puso at nervous system ng biktima. PAUNANG LUNAS PAG NAKARANAS NG JELLYFISH STING Umahon agad sa tubig. Buhusan ng suka ang parte ng katawan na naapektuhan. Kumuha ng ID card o

LEPTOSPIROSIS: ALAMIN ANG SINTOMAS AT KUNG PAANO ITO MAIIWASAN

Panahon na naman ng tag-ulan, hindi maiiwasan ang pagbahay sa ilang lugar sa ating bansa.    Kinakailangan ang dagdag ingat upang maiwasan ang pagkakasakit.    Isang halimbawa na makukuha nating sakit sa pagbaha ay ang leptospirosis. ANO ANG LEPTOSPIROSIS? Ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng mga hayop sa kanilang pag-ihi.    Kadalasan ito ay nakukuha sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga.    Bukod sa daga, maari ring tagapagdala ng bacteria na ito ang ating alagang aso, baboy at baka.    Napakahalaga na maging alerto tayo sa simtomas nito kung napasugod sa baha at lalo na kapag may sugat sa binti at paa. SINTOMAS: Ang sintomas ng leptospirosis ay nararamdaman matapos lamang ang 4-14 na araw makalipas ang pagkabasa o pagkalublob sa tubig-baha.    Sa oras na ito ay maaring maramdaman ang mga sumusunod: ·           Biglaang pagtaas ng lagnat na may kasamang panginginig. ·           Pananakit ng kalamnan. ·