Skip to main content

Posts

Showing posts from 2018

Diabetes: Miracle Cure? Ating alamin kung ano ito, magkaroon ng sapat na kaalaman ukol dito

DIABETES:   Magkaroon ng sapat na kaalaman Ano nga ba ang sintomas ng Diabetes?   Sino ang maaring magkasakit nito?   Paano ito maiiwasan at malulunasan? Ano ang Diabetes? Ang diabetes ay isang uri ng karamdaman na kung saan ang katawan natin ay hindi nakakalikha ng sapat na insulin o hindi nakakaresponde ng maayos dito. Ang insulin ay ang ating hormone na naglilipat ng asukal mula sa ating dugo patungo sa   iba’t ibang cells ng ating katawan upang gawing enerhiya.   Uri ng Diabetes Type I Diabetes :   Ang Type I Diabetes o kilala sa tawag na juvenile diabetes o insulin-independent diabetes ay ang kondisyon na kung saan ang pancreas na gumagawa ng insulin ay sira o kulang ang kanyang nailalabas na insulin. Inaatake ng ating immune system ang cells sa pancreas na gumagawa ng insulin.   Dahil dito, maaring hindi matanggap ng katawan ang sapat na dami ng insulin na maaring magdulot ng malubhang komplikasyon gaya ng sakit sa puso at bato.   Ito ay karaniwan na makikita

Baking soda para mapabagal ang paglala ng sakit sa bato o kidneys? Alamin.

Ang ating Kidneys o bato ay kumakatawan ng importanteng tungkulin sa ating pangangatawan.  Maliit lamang ang ating kidneys ngunit ito ay may malaking responsibilidad sa pangkalahatang pangangalaga sa ating katawan.  Kung ito ay hindi natin maalagaan  ng husto, maaari tayong magkaroon ng “bato sa bato” o ang tinatawag na kidney stones at marami pang ibang kidney diseases na maaring makasira nito. Nasasabi na maraming paraan at gamot na maaring gamitin o inumin, ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay may isang bagay o rekado sa kusina na maaring makagaling o mapabagal ang paglala ng pagkasira ng kidneys. Ang rekado na ito ay tinatawag na Sodium Bicarbonate , o mas kilala sa tawag na Baking Soda . Ang ating “ Endocrine System ” ay nakakapaloob ng Pancreas o Lapay , ito ang nagbibigay ng sodium bicarbonate bilang proteksyon sa ating kidneys sa oras na ito ay nagtutunaw ng ating pagkain.  May mga pagkakataon din na ang ating kidneys ay naglalabas ng chemical na naaayon s

BOX JELLYFISH: MAAARING MAKAMATAY KUNG HINDI MAAGAPAN

Kamakailan lamang may napabalitang namatay na 7 taong gulang na batang Fil-Italian swimmer sa dagat ng Caramoan, sa Camarines Sur matapos na makapitan ng makamandag na dikya o tinatawag na box jellyfish.   Ayon sa ina ng bata, naglalaro lamang daw ang kanyang anak na si Gaia Trimarchi   sa mababaw na parte ng dagat at namumulot ng kabibe nang kapitan siya ng dikya sa paa.   Ayon din sa pamilya ng bata, sinubukan daw buhusan ng gas ng kasama nilang bangkero ang paa ng bata at sinabi ring walang dalang first aid kit ang mga bangkero.   Kaagad namang isinugod sa ospital ang bata pero idineklara itong dead on arrival. Isa sa pinakadelikadong uri ng dikya ay ang “cuatro cantos” o box jellyfish.   Ito ay maaring magpakawala ng selulang “nematocysts”   na naglalaman ng lason na maaring makaparalisa sa puso at nervous system ng biktima. PAUNANG LUNAS PAG NAKARANAS NG JELLYFISH STING Umahon agad sa tubig. Buhusan ng suka ang parte ng katawan na naapektuhan. Kumuha ng ID card o

LEPTOSPIROSIS: ALAMIN ANG SINTOMAS AT KUNG PAANO ITO MAIIWASAN

Panahon na naman ng tag-ulan, hindi maiiwasan ang pagbahay sa ilang lugar sa ating bansa.    Kinakailangan ang dagdag ingat upang maiwasan ang pagkakasakit.    Isang halimbawa na makukuha nating sakit sa pagbaha ay ang leptospirosis. ANO ANG LEPTOSPIROSIS? Ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng mga hayop sa kanilang pag-ihi.    Kadalasan ito ay nakukuha sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga.    Bukod sa daga, maari ring tagapagdala ng bacteria na ito ang ating alagang aso, baboy at baka.    Napakahalaga na maging alerto tayo sa simtomas nito kung napasugod sa baha at lalo na kapag may sugat sa binti at paa. SINTOMAS: Ang sintomas ng leptospirosis ay nararamdaman matapos lamang ang 4-14 na araw makalipas ang pagkabasa o pagkalublob sa tubig-baha.    Sa oras na ito ay maaring maramdaman ang mga sumusunod: ·           Biglaang pagtaas ng lagnat na may kasamang panginginig. ·           Pananakit ng kalamnan. ·