Sibuyas Ang sibuyas ay karaniwang nakikita sa kusina ng ating bahay, at ito ay madalas din ginagamit na sangkap sa halos lahat ng lutuin. Ang sibuyas ay nagmula sa Asya at Gitnang Silangan, pinakapopular na itanim mga 5,000 taon ang nakakaraan. Hindi lamang ito ginagamit panluto bagkus ay ginagamit itong pambayad ng mga sinaunang Egyptian, ganun din ang pagsamba nila dito sa kadahilanang ito raw ay nakakapagbigay sa kanila ng buhay ng walang hanggan. Sinasabi rin na inilalagay nila ang Sibuyas sa libingan ng Hari ng Ehipto na namatay sapagkat ito raw ang aakay sa kanila sa kabilang buhay. Bukod dito, may alamat din na kapag ito raw ay nilagay sa namatay na tao ay muli raw itong mabubuhay sa loob ng sibuyas at maging mas malaki ang pakinabang dahil sa antiseptikong taglay nito. Gamit ng Sibuyas Maraming gamit ang sibuyas, bukod sa rekado sa pagluluto at pangunahing sangkap sa ibang lutuing Asyano at Indian, ang iba’t ibang parte nito ay maaring magamit sa iba’
DIABETES: Magkaroon ng sapat na kaalaman Ano nga ba ang sintomas ng Diabetes? Sino ang maaring magkasakit nito? Paano ito maiiwasan at malulunasan? Ano ang Diabetes? Ang diabetes ay isang uri ng karamdaman na kung saan ang katawan natin ay hindi nakakalikha ng sapat na insulin o hindi nakakaresponde ng maayos dito. Ang insulin ay ang ating hormone na naglilipat ng asukal mula sa ating dugo patungo sa iba’t ibang cells ng ating katawan upang gawing enerhiya. Uri ng Diabetes Type I Diabetes : Ang Type I Diabetes o kilala sa tawag na juvenile diabetes o insulin-independent diabetes ay ang kondisyon na kung saan ang pancreas na gumagawa ng insulin ay sira o kulang ang kanyang nailalabas na insulin. Inaatake ng ating immune system ang cells sa pancreas na gumagawa ng insulin. Dahil dito, maaring hindi matanggap ng katawan ang sapat na dami ng insulin na maaring magdulot ng malubhang komplikasyon gaya ng sakit sa puso at bato. Ito ay karaniwan na makikita